MANILA, Philippines – Ayon sa Manila Health Department umabot na sa halos 60 ang mga bagong kaso ng Dengue sa Maynila.
Ayon sa pa rito, ito ay mula lamang noong Hulyo 13 hanggang 19, 2025.
Sa kabila nito, wala namang naitala na namatay dahil sa sakit na nakaapekto sa mga residente na mula edad 1 hanggang 85.
Sinabi ni Dr. Edgar Santos, Asst. City Health Officer ng Maynila na karamihan sa mga tinamaan ng dengue ay mga lalaki na edad 10 hanggang 14.
May pinakamataas na kaso ang District 1 sa Tondo.
Sa kabilang banda, umaasa naman ang MHD na makatutulong ang ipinamahagi nilang mahigit 65-libong doxicycline para mapigilan ang paglobo ng sakit na Leptospirosis.
Noong July 13 hanggang 19, naitala ang 10 kaso bagamat mga suspected at probable pa lamang — ang ilan ay nakauwi na habang ang iba ay nasa ospital pa.
Mula sa District 5 partikular sa Baseco compound ang karamihan sa mga tinamaan ng Leptospirosis sa lungsod.
Karamihan din aniya sa mga kaso ng Leptospirosis ay kalalakihan na edad 25 hanggang 29. Jocelyn Tabangcura-Domenden