Home LIFESTYLE HEALTH Kaso ng hantavirus, wala pa sa Pinas – DOH

Kaso ng hantavirus, wala pa sa Pinas – DOH

235
0

MANILA, Philippines – Wala pang kaso ng hantavirus sa ngayon sa Pilipinas, sinabi ni Department of Health (DOH) spokesperson Usec. Albert Domingo sa gitna ng pagkamatay ng tatlong pasahero ng Atlantiko cruise ship dahil sa virus.

Bukod dito, tatlong iba pa ang nanatiling infected. Sinabi ni infections disease expert Dr. Rontgene Solano na habang wala pang kaso ng naturang virus sa bansa ngayong 2026 mayroon nang mga dating kaso ng hantavirus sa bansa. Pero aniya walang dapat na ikabahala o ipangamba.

Giit ng eksperto, hindi kailangang mag-panic ito ay rodent-related infections na hindi sanhi ng pagkaalarma.

Ang hantavirus ay isang impeksyon na naipapasa mula sa mga daga patungo sa tao, na nagdudulot ng mga sintomas tulad ng lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pananakit ng tiyan, pagsusuka, o pagduduwal.

Sa mas seryosong kaso, maaaring magdulot ito ng hantavirus cardiopulmonary syndrome (HCPS), haemorrhagic fever with renal syndrome (HFRS), mababang presyon ng dugo, problema sa pagdurugo, at pagkabigo ng bato.

Ayon sa isang pag-aaral noong 2000, kabilang ang Pilipinas sa 10 bansa na may mga urban rats na positibo sa hantavirus, at 6.1% ng mga Pilipino ay may hantavirus antibodies.

Madalas na asymptomatic ang hantavirus sa Pilipinas o napagkakamalan bilang leptospirosis o dengue.

Noong 2016, nadiskubre ang “Quezon Virus,” isang strain ng hantavirus mula sa mga lung tissues ng fruit bats na nakolekta sa bansa.

Ayon sa WHO, mababa ang pangkalahatang panganib ng hantavirus sa publiko. Karaniwang naipapasa ito sa tao sa pamamagitan ng kontak sa mga infected na daga, kanilang ihi, dumi, o laway. Bihira ang pagkalat sa tao ngunit may mga limitadong kaso sa nakaraang outbreaks. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here