MANILA, Philippines – Mayroon nang 4,859 kaso ng leptospirosis sa buong bansa mula nang magsimula ang panahon ng tag-ulan noong Hunyo, ayon sa Department of Health (DOH).
Ang leptospirosis ay isang bacterial infection na naipapasa sa mga tao sa pamamagitan ng contact sa tubig na kontaminado ng ihi nito.
“After flooding in some areas of the country this past week, only one new case of leptospirosis has been recorded by the DOH from August 31 to September 4,” saad sa pahayag ng kagawaran nitong Sabado, Setyembre 6.
“There’s a possibility that this will change since surveillance is continuous. This is still a big drop from the 1,147 cases from August 3 to August 9, a week after Cyclones Crising, Dante and Emong,” dagdag pa niya.
Siniguro ng DOH sa publiko na ang leptospirosis fast lanes ay nananatiling bukas sa ilan sa mga ospital nito upang agarang makatugon sa mga kaso.
Kabilang sa mga sintomas ng leptospirosis ay ang lagnat, pananakit ng ulo, panggiginaw, sakit sa likod o binti, at pamumula ng mata. RNT/JGC