Home LIFESTYLE HEALTH Kaso ng leptospirosis mababa pa rin, pero publiko pinaghahanda vs Nando

Kaso ng leptospirosis mababa pa rin, pero publiko pinaghahanda vs Nando

306
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng dalawang bagong kaso ng leptospirosis ang Department of Health (DOH) mula September 14 hanggang September 18, sa kabila ng sunod-sunod na pag-ulan at baha nitong nakaraang linggo.

Ayon sa DOH, bagama’t nagbago ang bilang ng kaso sa nagpapatuloy na surveillance, nanatiling malaki ang agwat nito sa naitalang 1,199 na kaso noong August 3 hanggang August 9—isang linggo matapos manalasa ang mga bagyong Crising, Dante, at Emong.

Sa kabuuan, nakapagtala ang DOH ng 5,430 kaso ng leptospirosis mula June 8, o isang linggo matapos ideklara ng PAGASA ang tag-ulan, hanggang September 18, 2025.

Naka-alerto naman ang DOH Central Office at iba’t ibang rehiyon dahil sa inaasahang epekto ng bagyong Nando, partikular sa extreme Northern, Central, at Southern Luzon, kabilang na ang Metro Manila at ilang bahagi ng Visayas.

Paalala ng DOH, ihanda nang maaga ang emergency go bag sakaling mangailangang lumikas.

Manatili ring nakatutok sa weather updates at sundin ang abiso ng LGU, at iwasang lumusong sa baha.

Paalala rin ng DOH, kung nalubog sa baha o na-expose sa putik, agad na magpakonsulta sa leptospirosis fast lanes ng DOH hospitals o sa pinakamalapit na health center upang ma-assess ang risk level at maibigay ang gamot na kailangan.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here