Home NATIONWIDE Kaso ng missing sabungeros patuloy na tututukan ng bagong OIC ng DOJ

Kaso ng missing sabungeros patuloy na tututukan ng bagong OIC ng DOJ

250
0

MANILA, Philippines – Patuloy na tututukan ng bagong liderato ng Department of Justice ang mga kaso lalo sa ‘missing sabungeros’ kung saan umaasa ang mga kababayan ng katarungan.

Ito ang inilahad ni DOJ Officer-in-Charge Fredderick A. Vida na aniya ay unang-una ring hinabilin sa kanya ni dating SOJ at Ombudsman Boying Remulla.

Sinabi ni Vida sa press briefing na partikular na binanggit ni Remulla na kailangang patuloy na umasa ang ating mga kababayan na patuloy nilang kakampi ang Kagawaran ng Katarungan para makamit ang hustisya na kanilang hinahangad.

“Ang number one na bilin-bilin niya, yung mga inaasahan ng mga kababayan natin ay patuloy pa ring tututukan–umasa ang ating mga kababayan, lalo na ang mga umaasa ng katarungan lalo na sa missing sabungeros.”

Sa kasalukuyan aniya, ang status sa kaso ay mayroon pang pending preliminary investigation.

Magbibigay naman ang kagawaran ng status ng mga kaso dahil may ilan nang nakasalang at may nauna nang humingi ng bail at napagbigyan pero nabaliktad ng Court of Appeals. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here