Home HOME BANNER STORY Kaso vs PISTON 6 ibinasura ng korte

Kaso vs PISTON 6 ibinasura ng korte

MANILA, Philippines- Ibinasura ng Caloocan court ang mga kaso laban sa PISTON 6 na naaresto noong 2020 matapos magsagawa ng kilos-protesta laban sa pagbabawal sa pagbiyahe ng mga jeep sa kanilang mga ruta sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Batay sa kautusang inihain nitong Biyernes, natukoy ng korte na insufficient ang ebidensya laban kina Severino Ramos, Wilson Ramilla, Ramon Paloma, Ruben Baylon, Elmer Cordero, at Arsenio Ymas.

Nakasaad din sa kautusan na walang paglabag sa Quarantine protocols dahil pinairal na ang Modified Enhanced Community Quarantine mula nang kalusin ang Enhanced Community Quarantine noong Mayo 16, 2020, ilang linggo bago ang pag-aresto noong Hunyo 2, 2020.

“In view of the absence of the essential element of ‘existence of lawful order’ given by the responding policemen to the rallyist/accused, the prosecution’s evidence is insufficient to prove the guilt of the accused on the crime of disobedience beyond reasonable doubt,” batay sa kautusan ng korte. RNT/SA