Manila, Philippines- Respective followers of Kathryn Bernardo and Belle Mariano are after each others’ necks!
Nagbabardagulan nga ang hukbo ng mga tagahanga ng dalawang Kapanilya actress.
Ito’y dahil hindi nagugustuhan ng mga fans ni Belle na idinidikit ang pangalan ni Kathryn sa ka-loveteam nitong si Donny Pangilinan.
Tinatayang nagsimula ito nang kapwa um-attend sina Kathryn at Donny ng kasal nina Robi Domingo at Maiqui Pineda.
Na-quote kasi si Donny na “binabantayan” niya si Kathryn, bagay na ikinaalboroto ng mga
DonBelle fans.
Umabot na sa social media ang bardagulan ng magkabilang kampo sa pamemersonal ng mga fans niBelle kay Kathryn.
Pati kasi legs ng tinanghal na Asia’s Outstanding Star ay ipinuntos laban sa kanya.
Depensa naman ni Cristy Fermin, hindi raw sukatan ang legs ng sinumang aktres para makalikha ng pangalan sa showbiz at maging matagumpay.
In fairness din, walang isyu sa pagitan mismo nina Kathryn at Belle.
“Ang respective fans lang naman nila ang nag-aaway-away!” paglilinaw ni Cristy.
Susog naman ng CFM co-host nitong si Rommel Tsika, nagkataon lang na “single” si Kathryn, having broken up with her boyfriend of 11 years na si Daniel Padilla.
As such, sinumang aktor na madikit sa kanyang pangalan ay pag-iisipang may “hidden agenda.”
Isinahalimbawa ang estado ngayon ni Jericho Rosales na hiwalay na sa asawang si Kim Jones.
In fairness to both Kathryn and Belle, hindi sila nagpapaapekto sa away ng kanilang mga tagahanga. Ronnie Carrasco III