Home ENTERTAINMENT Katrina, hindi pa sinasagot si Kris; Netizens, nalilito na!

Katrina, hindi pa sinasagot si Kris; Netizens, nalilito na!

2
0

Manila, Philippines – Dahil mahal pa rin ng singer na si Kris Lawrence ang dati niyang live-in partner na si Katrina Halili ay muli nga niya itong nililigawan.

Gusto niya kasi na magkabalikan sila ng aktres.

Sa tanong namin kay Katrina kung sinagot niya na ba ulit si Kris, ang sagot niya, “Hindi pa po.”

Sundot na tanong namin sa kanya, kung papunta na ba roon ang status?

Ang sabi niya, “Baka papunta naman po ru’n.”

Na ang ibig niyang sabihin ay posible na maging sila ulit ng tatay ng anak nilang si Katie.

Kung sakaling magkakabalikan sila ni Kris, mapupunta na ba ‘yun sa kasalan?

“Let’s wait and see,” ang tanging sagot niya.

Nakausap namin si Katrina pagkatapos niyang rumampa sa Maddox Iconic Runway Diamond Jewelry Fashion Show 2026.

FYI, ang owner ng Maddox Jewelry ay si Ms. Charo Cordial at ayon sa kanya, ang Maddox ay kinuha niya mula sa pangalan ng kanilang anak na si Maddox.

Samantala, nalilito naman ang mga netizens na ang akala ay mag-on na ulit sina Kris at Katrina. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here