Home ENTERTAINMENT Katrina, OA na stage mom!

Katrina, OA na stage mom!

Manila, Philippines- Ideally, any child must be beaming with joy and pride with the moral support of his or her parent.

Pero hindi sa kaso ni Katie, ang nag-iisang anak ni Katrina Halili kay Kris Lawrence.

OA daw kasi ang Kapuso actress sa pagiging stage mother nito.

Recently ay nakilahok si Katie sa song and dance number sa isang mall in full view siyempre of the shoppers.

Habang nagpe-perform si Katie sa entablado, guess what Katrina was doing downstage?

May hawak itong cartolina kung saan nakasulat ang lyrics ng awiting kinakanta.

In short, preparado si Katrina who came with an idiot board.

Pero sa halip na ikatuwa ito ni Katie ay kapansin-pansin na nahaluan ng pagkairita ang bigay-todo niyang performance.

Obyus na asiwa ang bagets sa pagiging OA ng ina na puwede namang tahimik lang sa isang tabi and letting her daughter do her thing.

Hati naman ang mga reaksyon ng mga netizens sa tagpong ‘yon.

Payo nila kay Katrina, bigyan daw nito ng space ang kanyang anak and allow Katie to unleash her full potential.

Meron din namang kapwa magulang na nakakaunawa sa pagiging stage mom ni Katrina.

Depensa nila, masuwerte nga raw si Katie dahil napaglalaanan siya ng panahon ng kanyang ina despite her busy showbiz schedule.

Not all children daw are lucky and blessed to have supportive parents like Katrina.

Kung si Kris Lawrence kaya ang naroon, would he as Katie’s father have done even worse than Katrina did?

Or sa ibang paraan ipakikita ng R & B singer ang suporta sa talented na anak, na no doubt ay mas nagmana sa kanya? Ronnie Carrasco III