Home METRO Posibleng clemency ng 2 Pinoy sa death row sa Brunei sinisikap ng...

Posibleng clemency ng 2 Pinoy sa death row sa Brunei sinisikap ng DMW

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado na sinisikap nila ang posibleng clemency ng dalawang overseas Filipino workers (OFWs) sa death row sa Brunei.

Isa sa mga OFW na convicted sa kasong murder sa kapwa Pilipino sa abroad noong 2005 ay si Edgar Puzon ngunit nabago sa habambuhay na pagkakakulong.

Sinabi ng DMW na umaasa si Puzon na mabigyan ng maagang pagpapalaya bago siya sumapit sa edad na 70 sa Enero sa susunod na taon.

Ang isa pang OFW ay si Cyrile Tagapan na nagsisilbi ng kanyang sentensya mula noong 2016 dahil sa pagpatay sa isang mamamayan ng Brunei, at para sa panununog at pagnanakaw.

Noong unang bahagi ng linggong ito, nabisita ni DMW Secretary Hans Cacdac ang dalawang OFW sa kanilang pasilidad ng bilangguan.

Si Cacdac ay bahagi ng delegasyon ng Pangulo sa dalawang araw na pagbisita ng Punong Ehekutibo sa Brunei Darussalam mula Mayo 28 hanggang 29, 2024.

“I conveyed the message of the President to our two kababayans of his support and continuing prayers for them,” sabi ni Cacdac.

“Both expressed their deepest thanks to the President,” dagdag pa niya.

Sinabi ng DMW na nakikipag-ugnayan na sila sa isang lokal na law firm na naghain na ng pleas para sa clemency para sa dalawang Pilipino sa Attorney General’s Chambers at sa Privy Council ng Prime Minister’s Office.

Dagdag pa ng DMW, nagsasagawa na rin sila ng karagdagang “compassionate visits” para sa dalawang Pilipino.

“The DMW and its attached agency, the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), funded and will continue to shoulder all expenses for the compassionate visits of the two OFWs’ families and relatives,” ayon pa sa DMW. Jocelyn Tabangcura-Domenden