Home METRO Kawasan Falls sa Cebu bukas na muli

Kawasan Falls sa Cebu bukas na muli

CEBU CITY-BUKAS na muli sa publiko ang isang sikat na tourist destination sa southern Cebu matapos isa ng mahigit isang taon para sa rehabilitasyon.

Ayon kay Cebu Governor Gwen Garcia na ang sikat sa buong mundo na Kawasan Falls sa Badian ay nagbukas na sa unang araw, ngayong buwan ng Oktubre, dahil sa nakikita niyang positibong pag-unlad sa mga pagsisikap sa rehabilitasyon na ginawa sa lugar pagkatapos ang ginawang pag-inspeksyon noong Huwebes.

Ang Kawasan falls ay isang multi-layer waterfall system na kilala sa malinaw nitong turquoise na tubig, subalit nasira ito nang hampasin ng bagyong “Odette” ang lalawigan noong Disyembre 2021.

Sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng bayan at mga stakeholder ng turismo, binanggit ni Garcia ang mga makabuluhang pagbabago sa lugar bilang resulta ng mga pagsisikap sa rehabilitasyon.

Binigyang-diin ng gobernador ang pangangailangan para sa mga canyoneering guide na sanayin upang maging mas mahusay at epektibong ambassador ng turismo ang mga ito.

Bago ang muling pagbubukas, napagkasunduan na ang mga canyoneering guide ay sasailalim sa limang araw na malawak na pagsasanay.

Maging ang mga operator ay kumuha ng bagong Certificate of Compliance mula sa Provincial Tourism Office.

Napagkasunduan din na gagawa ng ordinansa ang provincial board na nagreregulate ng guide fees at iba pang singil na kokolektahin sa mga bisita./Mary Anne Sapico