CAVITE, Philippines – Muli na namang pinasok ng mga magnanakaw ang dalawang sangay ng kilalang convenience store sa nakaraang tangayin ang cash at mga paninda sa magkahiwalay na lugar sa Cavite.
Ayon sa crew ng 7 Eleven convinience store, nakasuot ng kulay itim na helmet, itim na face mask, kulay gray at blue na jacket , naka-maong pants, ng mga suspek na tinatayang nasa 25-30 anyos at tinatayang 5’5 ang taas, habang ang isa ay nakasuot ng puting helmet, maong pants, slim ang pangangatawan at tinatayang 5’5 ang taas.
Sa binigay na salaysay ng Clerk ng 7 Eleven sa Brgy Daang Amaya 3, Tanza, Cavite na si Johnny, 37, pumasok ang isa sa suspek na armado ng di nabatid na kalibre ng baril, bandang alas-2:24 ng madaling araw, nagdeklara ng holdap at pinasok ang Cashier area at tinangay ang P9,500.00 na cash.
Matapos ang pagnanakaw tumakas sakay ng motorsiklo na nakaabang sa labas at dumiretso sa direksyon ng Barangay Daang Amaya Crossing.
Kasunod nito. dakong alas 6:00 ng umaga nang nadiskubre ng Store Crew ng Alfamart store na si alyas Paye, 21 at alyas James, Auxillary Store Personnel, 27, na pinasok ng kawatan ang tindahan na matatagpuan sa Brgy Banaba, Silang, Cavite.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok ng suspek ang tindahan sa pamagitan ng pagdaan sa sinirang bubong.
Pagpasok sa loob tinangay pa ng mga suspek ang dalawang botelya ng GSM Mojito na nagkakahalaga ng ₱330.00, 1 botelya ng GSM Pomelo (₱165.00), 2 botelya ng GSM Frasco (Kwatro Kantos) (₱330.00), 1 pack ng Camel Original cigarettes (₱158.00) na may kabuuang halaga na ₱983.00 at ₱2,000.00 cash.
Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV para sa posibleng pagkakakilanlan sa mga suspek. MARGIE BAUTISTA