Home ENTERTAINMENT KC, bumawi kay Sharon!

KC, bumawi kay Sharon!

Manila, Philippines- Sinasabi na nga ba, KC Concepcion wouldn’t let Mother’s Day slip by nang hindi magtatawid ng makaantig-damdaming mensahe para sa kanyang ina, si Sharon Cuneta.

True enough, bumawi si KC sa pamamagitan ng kanyang post sa Instagram nitong May 12, Sunday.

Her post came with a throwback photo taken of her and the Megastar.

“It’s your day!” bungad ni KC.

“I pray for us to enjoy life’s pleasures and adventures. Trust in the way you raised me that I will always make you proud of me,” karugtong ng post.

Dagdag pa ng kanyang only child kay Gabby Concepcion, Sharon was the very first person she has ever met.

Utang daw ni KC sa ina of who she has become.

Kung maaari nga lang daw maibigay ni KC ang mundo ay gagawin niya para hindi na mag-alala ang ina kahit isang segundo.

Ikinatuwa naman ito nang labis ng mga netizens who’ve been praying hard na maayos na sana ng mag-ina ang anumang isyu sa kanilang pagitan.

Just a day or so ago, tila may acceptance na sa parte ng Megastar ang pagiging estranged ng kanyang anak.

“Kaya tiis-tiis na lang,” Sharon posted in resignation.

Bagama’t nasasaktan daw siya sa mga nangyayari, ayaw daw ni Sharon na ipagsiksikan pa sa anak ang kanyang sarili.

Obyus na somehow ay umubra ang payo ng mga netizens to let KC be.

Hayun nga’t hindi rin natiis ng anak ang ina sa espesyal na araw na nakalaan para sa tulad ni Sharon and the rest of the moms all over the world.

Tuluy-tuloy na nga kaya ang pag-aayos nilang mag-ina?

We can only pin our hopes. Ronnie Carrasco III