Home ENTERTAINMENT KC, flinex ang resort sa Palawan!

KC, flinex ang resort sa Palawan!

Manila, Philippines – There’s no stopping KC Concepcion from chasing her dream.

In her latest Instagram post, finlex ng dalaga ang bago niyang investment.

Isang bahay bakasyunan ‘yon malapit sa dagat.

Makikita ang bahagi ng kalsada leading to the spot overlooking the vast expanse of the sea.

Nilakipan ni KC ito ng caption na: “A place to be enjoyed by my family.”

Realizing perhaps na dapat din niyang paglaanan ang sariling kaligayahan, dinagdagan niya ito ng caption na: “Can’t wait to create new memories with my special someone including family and friends.”

Malawak ang property na ‘yon na matatagpuan sa San Vicente, Palawan.

May ipinost pang litrato si KC kasama ang ilang surveyor o engineer na sumusukat sa naturang property.

Prior to this ay galing muna sa Batangas si KC.

From there en route to Palawan ay masidhi ang panawagan ni KC na suportahan ang local beach business.

Sa ganoong paraan daw kasi’y tinutulungan nating umunlad ang mga coastal communities.

By supporting our local beaches, damay na rin siyempre ang ilang business establishments sa paligid ng mga ito tulad ng hotel, cafe, kainan, recreational facilities, palengke at iba pa.

Mukhang kahit sa tinagal-tagal ng pananatili ni KC sa Amerika, dito pa rin niya sa Pilipinas pipiling mag-settle. Ronnie Carrasco III

Previous articlePinas gumagawa ng ‘propaganda trap’ sa WPS issue – Tsina
Next articleBalisacan: ‘Holistic approach’ sinisilip vs problema sa trapiko