Home ENTERTAINMENT KC, umamin sa pag-unfollow kay Kiko at Frankie!

KC, umamin sa pag-unfollow kay Kiko at Frankie!

Manila, Philippines – After a few weeks of keeping mum about the issue, KC Concepcion was able to confirm that she unfollowed on Instagram her stepdad Kiko Pangilinan and half-sister Frankie Pangilinan.

In her recent guesting in connection with the promo of her movie Asian Persuasion, napag-usapan ang tungkol sa pag-unfollow ng aktres sa Instagram accounts nina Kiko at Frankie.

Inamin naman ni KC na in-unfollow niya ang kanyang stepdad at half-siser ngunit hindi niya tinumbok ang dahilan.

Sabi lang niya, kailangan daw niyang alagaan ang kanyang mental health para na rin sa kanyang peace of mind.

“Ako kasi, I think, yung sa akin is more of, like I said, may mga complicated po talaga pagdating sa blended family.

“So, wala naman po akong gustong ikuwento pa apart from the fact na, ako, I just want peace of mind, I want to be happy. I want my family to be happy.

“And sometimes, mas gusto kong piliin yung peace of mind ko.”

At this point, binanggit ni KC na pinilit niya, to the best of her ability, na maging mabuting ate at maging close sa half-sisters at half-brother niya, kabilang si Garie Concepcion, na anak ng kanyang amang si Gabby Concepcion kay Grace Ibuna.

Ganundin kay Cloie Syquia-Skarne, anak naman ng amang si Gabby kay Jenny Syquia.

May dalawa pang half-sisters si KC, sina Samantha at Savannah na anak naman ni Gabby at Genevieve Yatco Gonzales.

Sina Frankie, Miel, at Kiko Pangilinan ay mga anak ni Sharon kay Kiko. Pete Ampoloquio Jr.