Home METRO Kelot hinigop ng dagat, dedbol!

Kelot hinigop ng dagat, dedbol!

ILOCOS SUR-Patay ang isang lalaki matapos na malunod sa public beach sa Brgy. Quezon District, Santa ng lalawigang ito kahapon.

Kinilala ng Santa Municipal Police Station ang biktima na si Henry Benitez y Molina, 49, may asawa, residente ng Brgy. Ampandula ng naturang bayan.

Base sa pakikipag-usap ng mga otoridad sa pamilya ng biktima, nabatid na nagpunta ang kanilang pamilya sa public beach para sa kanilang ‘family bonding’.

Matapos silang kumain, lumusong sa dagat ang biktima para mag-swimming.

Makalipas ang ilang sandali, isa sa mga kasama nila ang nakapansin sa biktima na wala nang kagalaw-galaw na nakalutang sa tubig.

Agad silang humingi ng saklolo sa mga bystander at mga police officer na naka-deploy doon sa lugar.

Sinikap ng mga rumesponding RHU, MDRRMO at BFP personnel na i-resuscitate ang biktima ngunit nang makita nilang walang epekto ang mga ginagawa nila ay agad nilang isinugod ito sa ospital.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso