Home METRO Kelot kinatay ng kapitbahay dahil sa kabayo

Kelot kinatay ng kapitbahay dahil sa kabayo

CEBU- HALOS humiwalay ang ulo sa katawan ng isang lalaki matapos pagtatagain ng kanyang kapitbahay dahil sa paulit-ulit na banggit ng namatay nitong kalabaw, iniulat nitong Lunes sa bayan ng Catmon.

Kinilala ang biktimang si Jenelito Pontejon, 46, anyos habang nadakip naman ang suspek na si Felix Abajo, 66 , at kapwa residente ng Purok Abocado Maca-as.

Batay sa report ng Catmon Municipal Police Station, bandang 7:00 PM nang maganap ang krimen sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang krimen namatay ang alagang kabayo ng biktima at ang suspek ang pinagbintangan nitong pumatay.

Aminado naman ang suspek sa nasabing insidente at binayaran nito ng paunti-unti ang kabayo ng biktima.

Habang nag-iinuman ang suspek at biktima paulit-ulit na binabanggit na biktima ang namatay nitong kabayo na ikinapikon ng suspek at nagpanting ang tenga nito.

Dahil dito, kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga sa batok ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen sumuko naman sa pulisya ang suspek sa mga rumespondeng pulis.

Nahaharap ngayon sa kasong homicide ang suspek./Mary Anne Sapico