Home METRO Kelot patay sa kaladkad ng tren ng PNR

Kelot patay sa kaladkad ng tren ng PNR

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki nang makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Barangay Bagong Bayan, Libmanan, Camarines Sur.

Ayon sa pulisya, nakita ang lalaki na bigla na lamang dumaan sa riles ilang sandali bago dumaan ang tren at tamaan ito.

Nakaladkad ng may limang metro ang lalaki bago tuluyang nakahinto ang tren.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima.

Nagpapatuloy naman ang pagtunton sa train operator na sangkot sa insidente. RNT/JGC