Home METRO Kelot patay sa sapak ng tanod

Kelot patay sa sapak ng tanod

MANILA, Philippines – Patay ang isang 36-anyos na lalaki sa Barangay Patiao, Peñarrubia, Abra matapos siyang suntukin ng tatlong beses ng isang barangay tanod.

Ayon sa pulisya, lasing ang biktima at hinahamon umano ng suntukan ang ilang lalaki sa harap ng isang tindahan.

Sinabi ni PCPT. June Saliw-an, Hepe ng Peñarrubia Police Station na sinuntok ng suspek ang biktima dahil ayaw muna nitong maunang matamaan.

Nasaksihan ni Dondie Baker, ang barangay chairman, ang insidente habang dumadaan sa lugar.

Dinala ni Baker ang biktima sa ospital ngunit binawian na ng buhay ang biktima. May mga sugat sa mukha at mga pasa sa leeg ang biktima.

Maya-maya ay sumuko sa pulisya ang tanod at sinabing ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili at hindi niya sinadyang patayin ang biktima.

Nanawagan ng hustisya si Rosalyn Blaya, ang kinakasama ng biktima na nagsabing sinuntok pa rin daw ang kanyang kapareha kahit na walang pagtatanggol dahil lasing ito.

Nahaharap sa kasong homicide ang suspek. RNT