Home METRO Kelot utas sa kotse ni tserman

Kelot utas sa kotse ni tserman

128
0

PANGASINAN- Patay ang isang hindi pa kilalang lalaki matapos na aksidenteng mabangga ng kotse ang minamaneho nitong kulay berdeng Lucky motorcycle sa national highway sa Brgy. Bacabac, Bugallon ng lalawigang ito kagabi.

Kinilala naman ang driver ng kulay itim na Toyota Corolla na si Ardy Viray Banlaoi, 49, may asawa, incumbent barangay chairman at residente ng Brgy. Poblacion ng naturang bayan.

Papuntang silangang direksyon ang motorsiklo samantalang bumibiyahe naman sa kabilang lane ang kotse.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, nag-overtake umano sa sinusundang sasakyan ang Toyota Corolla kaya naagaw nito ang linya ng motorsiklo na nagresulta sa banggaan ng dalawang sasakyan.

Sugatan ang driver ng motorsiklo na agad na dinala sa Lingayen District Hospital sa Lingayen, Pangasinan.

Gayunman, ang driver ng motorsiklo ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng Toyota Corolla. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here