Home METRO Kelot utas sa kuryente

Kelot utas sa kuryente

124
0

BAGGAO, Cagayan – Patay ang isang 25-anyos na lalaki at sugatan ang kanyang mga kasama matapos silang makuryente sa Barangay Ibolo dito noong Linggo, Hulyo 28.

Kinilala ang nasawi na si Maximo Ricarte Jr.

Sinabi ng pulisya na sina Maximo at kanyang mga kasama – sina Virgilio Cabaruan, 43; Edison Caluttung, 54; Brando Ramos, 39, at Maximo Ricarte Sr., 58, ay naglilipat ng poste ng solar light nang aksidenteng tumama ang poste sa live wire.

Ang mga biktima ay tumilapon at nagtamo ng minor injuries habang nawalan ng malay si Maximo Jr.at kalaunan ay idineklara itong patay. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here