Home METRO Kelot, utas sa pamamaril sa Cavite

Kelot, utas sa pamamaril sa Cavite

1
0

CAVITE, Philippines – Isang lalaki ang namatay makaraang barilin habang nakaupo sa harapan ng bahay ng kanyang kapitbahay sa General Mariano Alvarez (GMA).

Sa report kinilala ang  biktimang si alyas Richard, 24 ng Brgy F. Reyes, ng nasabing bayan na nagtamo tama ng bala sa katawan.

Napag alaman na bandang alas-9:30 ng gabi  na nakaupo ang biktima sa harapan ng bahay ng kanilang kapitbahay nang dumating ang suspek at dito kaagad na binaril  nagresulta sa agarang kamatayan.

Matapos ang pamamaril, kaswal na naglakad at tumakas ang suspek.

Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV footage sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek upang matuloy ang motibo sa pagpatay. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here