Home ENTERTAINMENT Ken, kurtado na ang isip, namamayat na raw!

Ken, kurtado na ang isip, namamayat na raw!

Manila, Philippines – Proof that his legal problem is taking a heavy toll on him ay ang balitang payat na payat na raw ngayon si Ken Chan.

Ito ang iniulat ng Cristy Ferminute tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Kapuso actor.

Nahaharap si Ken sa patung-patong na syndicated estafa case na isinampa ng grupo ng mga nag-invest sa kanyang negosyo.

Ayon sa report ng CFM, may lumabas pang isang arrest warrant sa aktor.

Dawit din ang kapatid nitong pinangalanan na–si Mark Clinton Angeles Chan.

Nag-iwan naman ng payo si Cristy Fermin makaraang mapag-alamang “no bail” ang asunto laban kay Ken.

Kailangan daw mag-file ang aktor ng petition for bail.

At para gawin ito’y bumalik muna ito sa bansa at humarap sa korte.

Nauunawaan daw ni Cristy ang kawalan ng peace of mind ni Ken, dahilan kung bakit payat na payat ito ngayon.

“Overthinking kills your peace,” mensahe ni Cristy.

Tiniyak din ng kanyang programa na wala si Ken sa Amerika kundi sa isang bansa sa Asya.

Kamakailan ay ikinatuwa pa ni Ken ang napanalunang Best Actor trophy para sa pagganap ss ipinrodyus niyang pelikula, ang Papa Mascot. Ronnie Carrasco III