Home ENTERTAINMENT Ken, nililigaw ang otoridad?

Ken, nililigaw ang otoridad?

Manila, Philippines- May mga post si Ken Chan sa social media sa kabila ng katotohanang mainit sa kanya ang mga otoridad na bigong ihain ang arrest warrant sa kanya kamakailan.

Ikalawang beses nang naiwasan ni Ken ang posibleng pagkakakulong sa kanyang non-bailable offense.

Nahaharap siya sa P14 million worth of syndicated estafa.

Pero just recently, ewan kung sadyang ipinapahamak ni Ken ang kanyang sarili.

Was the Kapuso actor turning himself in sa pagpost ng Statue of Liberty?

Dahil kung ganoon, nasa New York siya at mdaling matunton.

Maliban na lang kung sinadya niyang iligaw ang mga otoridad, as in he’s in some part of the US.

Posible ring wala siya sa Amerika kundi sa ibang bansa.

Nakuha pang ipost ni Ken ang breakfast table niya filled with fruits and cheeses with matching caption na: “Good morning!”

Christmassy na rin ang ambiance sa bahay kung nasaan si Ken.

Ang tanong–hanggang kailan pagtataguan ni Ken ang batas? Ronnie Carrasco III