Home NATIONWIDE Kilos protesta sa SONA, kalitwa’t-kanan

Kilos protesta sa SONA, kalitwa’t-kanan

252
0

MANILA, Philippines – Bagamat pabugso-bugso ang buhos ng ulan, hindi natinag ang mga rallyista na magsagawa ng kaliwat-kanang kilos protesta ngayong umaga, ilang oras bago ang isasagawang ika-apat na State of the Nation Adress ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Panawagan ng ilang grupo kabilang ang Kilusang Bantay Demokrasya ang pagpapanatili ng soberanya ng bansa, pagtugon sa koraspyon at hustisya.

Isa rin sa pangunahing isyu na dapat pagtuunan ang umano’y pagnanakaw ng ₱142 bilyon na pondo para sa flood control, na sinasabing ginamit upang protektahan ang mga opisyal na sangkot sa katiwalian.

Matinding pagkondena rin ang ipinaabot nila sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), na itinuturing nilang paglabag sa soberanya ng Pilipinas.

Panawagan ng grupo ang agarang pagpapaalis sa mga tiwaling opisyal, pagsasampa ng kaso laban sa kanila, pagbabawas sa utang ng bansa, at pagpapatupad ng kontrol sa presyo ng mga bilihin.

Iginiit ng mga nagprotesta na patuloy silang lalaban para sa kapakanan ng mga Pilipino.

Samantala, nagpaabot din ng hinaing ang mga jeepney driver sa Lungsod ng Maynila .

Daing ng mga tsuper na babaan ang presyo ng gasolina dahil sa kahirapan at taas na rin ng mga bilihin.

Panawagan nila sa gobyerno ang agarang tulong pinansyal at pagtugon na rin sa korapsyon at pagtuonan ang pangangaialngan ng mahihirap na Pilipino sa halip na magbangayan ang mga pulitiko.

Sa kanyang SONA, inaasahan nila ang konkretong solusyon at programa mula sa Pangulo ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here