Manila, Philippines – Nakakaloka ang naging prediksyon ng psychic at tarot card reader na si Mamu sa latest vlog ni Romel Chika.
Ayon sa basa niya sa mga baraha, totoo raw na buntis si Kim.
Pero ang nakawiwindang na parte sa kanyang hula ay hindi raw ang love team partner niyang si Paulo Avelino ang ama ng ‘bata.’
Naba-vibes daw niya na isang non-showbiz guy ang ama ng ‘baby’ at posibleng isa raw itong businessman.
Sa nakikita pa niya sa mga baraha, stressed daw sa kasalukuyan ang chinita actress.
Ito raw ang dahilan kaya nag-leave of absence ang TV host-actress sa kanyang noontime show.
Dagdag pa niya, may bagahe o hinanakit daw na dinadala si Kim sa isang matandang babae na parang tita ng aktres na namamagitan sa sigalot nila ng kapatid na si Lakam.
Hinggil naman sa kasong isinampa ng aktres na qualified theft sa kanyang nakatatandang kapatid, hindi pa raw maaayos ito.
Sa kasalukuyan daw ay malabo pa nitong mabawi ang perang nawawala sa kanya na diumano’y kinuha ng kanyang ate.
Feeling niya, hindi raw naman dumaranas ng financial difficulty ang aktres dahil paldo pa rin daw ito sa projects na dumarating sa kanya. Archie Liao