Manila, Philippines – Ayon sa nabasa ng isang manghuhula sa kanyang taror cards, may karelasyon daw si Kim Chiu ngayon.
Pero mas pinili raw nitong huwag magsalita at ‘wag itong ipaalam sa publiko.
“Ito, masaya ngayon sa relasyon niya. Mas pinili niyang hindi magsalita, tahimik lang at medyo malaki ‘yung pinagbago niya,”sabi ng tarot card reader.
Pagpapatuloy niya, may pinagdaraan ngayon si Kim pero masaya ito sa kanyang lovelife.
“Dito sa cards, si Kim, mukhang stress, pero masaya. Parang mayroon siyang pinagdaraanan ba pero okay siya sa pag-ibig. Wala siyang problema at masaya siya.”
Nang tinanong naman ang tarot card reader kung si Paulo ba ang nakikita niya sa cards na boyfriend ni Kim?
Umiling ang manghuhula. Parang sinasabi niya na hindi ‘yun si Paulo.
“Pero masaya siya (Kim) ngayon, tahimik. Pinili niyang huwag magsalita kahit parang maraming tinatanong sa kanya, mas pinili niyang huwag nang sumagot.”
Nabasa rin ng tarot card reader sa baraha ng Chinita Princess na mabubuntis ito pero walang mangyayaring kasal.
“May nakikita akong puwede siyang magbuntis, puwedeng magkaroon ng anak, pero kasal wala, eh. Naka-reverse ‘yung cards. Saka parang siya lang ‘yung may desisyon din,” say pa ng tarot card reader.
Well, totoo kaya ang nabasa ng tarot card reader sa cards ni Kim? Rommel Placente