Home ENTERTAINMENT Kim, kinampihan ng 2 kapatid!

Kim, kinampihan ng 2 kapatid!

1
0

Manila, Philippines – Suportado si Kim Chiu ng kanyang dalawang kapatid sa ligal na laban nito sa kanilang isa pang kapatid na si Lakambini o Lakam.

Through their respective Instagram accounts, ni-repost nina Twinkle at John Paul o JP sa kanilang IG Story ang pahayag ng One Publicity PH–ang fan support group ng TV host-actress.

Ito’y bilang suporta sa House of Little Bunny, Inc. (HOLB)–negosyo ni Kim.

Ayon sa fan group, it stands wiith Kim and HOLB in protecting the company, mga empleyado nito at lahat ng tumulong sa pagtatag nito.

Dalangin nila na sana’y manaig ang “truth, justice and accountability” kaugnay ng usapin.

Bagama’t burado na ito’y na-screen shot ito ng mga netizens.

Kim has four siblings–Twinkle, Lakam, JP at William.

Business partners sina Kim at Lakam sa HOLB.

Sinasabing kalagitnaan ng taong 2025 noong matuklasan ni Kim ang financial discrepancies sa HOLB.

Aabot sa mahigit P44M ang umano’y unauthorized withdrawals sa dalawang corporate bank accounts nina Kim at Lakam.

Nitong July 15, 2026 nang sampahan si Lakam ng 124 counts of qualified theft.

Habang sinusulat ito’y out on bail si Lakam after posting P5.6M bilang surety bond. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here