Home ENTERTAINMENT Kim, nawindang kay Xian!

Kim, nawindang kay Xian!

Manila, Philippines- Unbelievably true.

Ito ang angkop na paglalarawan sa latest tsika ng talent manager cum content creator na si Ogie Diaz as relayed to him by Kim Chiu’s close friend.

May kinalaman ito sa pag-amin kamakailan lang ni Xian that he and film producer cum creative partner Iris Lee are seeing each other.

Katumbas na rin ito ng pag-amin ng Kapuso actor na may namamagitan sa kanila ni Iris.

Ayon sa tsikang ipinarating mismo ng kaibigan ni Kim kay Ogie, bago ang pangungumpisal ni Xian sa real score nila ni Iris ay tumawag pa ang aktor sa dating nobya.

“Ito ang nakarating sa akin, ha?” pagbubusina ni Ogie.

From Ogie’s source, Kim received a surprise phone call from Xian.

Sumentro ang phone convo ng ex-couple hindi sa kumustahan or exchange of pleasantries.

Bagkus, tumawag daw si Xian kay Kim para bigyan ito ng pahintulot na isiwalat na meron nang bagong nobya ang aktor.

Matagal nang paksa ng mga ispekulasyon ang pagkakamabutihan nina Xian at Iris.

The two were even sighted roaming the streets of Bangkok in Thailand, apparently sweet toward each.

Depensa naman ni Xian, bumiyahe raw sila ni Iris sa Thailand para magsagawa ng ocular inspection.

Ang ipoprodyus daw kasing pelikula ni Iris na pagbibidahan ni Xian ay sa nasabing Asian nation kukunan.

Inamin ng source ni Ogie na ikinawindang daw ni Kim ang pagbibigay ni Xian ng permiso sa kanya.

Katwiran ng TV host-actress, bakit siya ang kailangang magsiwalat na may bago nang nobya ang dating kasintahan?

Bakit daw hindi si Xian mismo ang gumawa ng public admission about his lovelife?

Kung matatandaan, llang beses nang nilinaw ni Xian na walang “overlapping” na nangyari.

Hindi raw si Iris ang third party sa paghihiwalay nila ni Kim.

Sa rebelasyong ito ni Ogie, marami tuloy ang nakisimpatya kundi man nahabag sa pagiging dehado ni Kim. Ronnie Carrasco III