Manila, Philippines- Tatlo na ang bilang na nali-link kay Cong. Albee Benitez.
Ito’y sina Yen Santos na tahimik lang ukol dito and instead chose to address ‘yung tsismis sa kanila ni dating llocos Sur Governor Chavit Singson.
Aside from Yen ay si Ivana Alawi rin, pero ilang beses nang nilinaw ito ng actress-vlogger.
Never daw niyang pinangarap na manira ng pagsasama, in short, a homewrecker.
Ang ikatlo’y si Kim Rodriguez.
Mismong ang manager ni Kim na si Ogie Diaz ang nag-advise sa kanya na yaman din lang na hindi naman totoo ‘yung sa kanila ni Cong. Albee ay dedmahin na lang niya.
Ito rin ang bilin ni Coco Martin sa kanya noong ginagawa pa ni Kim ang Batang Quiapo.
Ani Coco, hayaan na lang daw ni Kim na mag-isip ng kung anu-ano ang tao.
That way, may pagkamisteryosa nga naman siya.
Kim did just that.
And to keep herself productive and unaffected by the tsismis, nagpaka-busy siya sa kanyang culinary course.
Already a graduate, bet ni Kim na magtayo ng coffee shop.
And the tsismis hounding her?
Puwede raw pag-usapan over a cup of coffee sa kanyang negosyo! Ronnie Carrasco III