Home METRO Kinatagpo ng nawawalang Israeli at nobyang beauty queen, isang dating parak

Kinatagpo ng nawawalang Israeli at nobyang beauty queen, isang dating parak

MANILA, Philippines – Isang dating parak na nagsilbing middleman ang kinatagpo ng nawawalang magkasintahang Geneva Lopez at Israeli national na si Yitshak Cohen, ayon sa Philippine National Police.

“He was dismissed from the police service in February 2020 for AWOL,” ani Police Col. Jean Fajardo, tagapagsalita ng PNP kung saan dati itong nakadestino sa Angeles City Police Office.

Matatandaang nahanap na ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group – Tarlac nitong Linggo ng gabi ang abandonadong sasakyan na maaaring ginamit ng persons of interest sa pagkawala nina Lopez at Cohen.

Ito ang sinasabing ikatlong sasakyan na nakitang kasama ng sasakyan ng nawawalang magkasintahan at ng middleman na pumunta noong June 21 sa lupa sa Barangay Armenia sa Tarlac City na bibilhin umano ng magkasintahan. RNT