MANILA, Philippines – Sinabi ni Veronica “Kitty” Duterte, ang bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na “alive and well” ang kanyang ama matapos na ipagpaliban ng International Criminal Court ang kumpirmasyon ng pagdinig ng mga kaso sa Setyembre 23 kasunod ng kahilingan ng kanyang abogado para sa isang ‘indefinite adjournment’ dahil siya ay “unfit” na humarap sa paglilitis.
Tinanong ni dating presidential spokesperson Harry Roque si Kitty tungkol sa kalagayan ni Duterte matapos isapubliko ng ICC ang isang binagong bersyon ng kahilingan ng tagapagtanggol na nagsasabing si Duterte ay may ‘cognitive impairment’ at hindi niya maalala ang mga kaganapan o miyembro ng pamilya.
Sa isa pang na-redact na pampublikong bersyon na inilabas ng ICC, ang ICC prosecutor ay humingi ng pagsusuri sa dating Pangulo ng kanilang manggagamot.
“How is he specifically? The court cancelled the confirmation because he’s not fit to stand trial, we want to know how he is physically and otherwise?” tanong ni Roque sa isang video sa Facebook noong Setyembre 9.
“I cannot delve into that. I’d like to reiterate that we were advised to refrain from sharing information about our visits with him, and all I can assure you is that he is alive and well…” sagot ni Kitty sa kanyang pagbisita sa ama sa the Netherlands.
“But he seems healthy?” tanong ni Roque.
“Yes.”
“And strong?”
“Yes.”
Ayon kay Kitty, “no reason to worry but as I said, I cannot discuss.”
Sa kabilang banda, ikinadismaya ng “drug war victims” ang pagka-antala ng pre-trial chamber na isinaad ng ICC Prosecutor.
Gayunpaman, nais ng ICC Prosecutor na ipatingin si Duterte sa kanilang sariling medical expert.
“May GC ba itong mga ito, yung legal team at mga anak? Kasi wala naman kaming narinig sa mga kapamilya niya na iniinda niyang sakit o kaya itong sinasabi nila na cognitive impairment on multiple domains,” saad ni ICC assistant to counsel Kristina Conti.
“Para sa mga pamilya, ang kwestiyon nila ay una, lokohan ba ito? Pangalawa, drama na naman ba ito? at pangatlo, paano kami? Paano ang hustisya para sa amin?”
Nais naman ng mga pamilya ng biktima ng “war on drugs” ang kopya ng medical records ni Duterte. RNT/MND