Home NATIONWIDE Klaro ng itlog sa nakalunok ng paputok

Klaro ng itlog sa nakalunok ng paputok

281
0

Bulacan – Naglabas ng mga first aid tips ang kinauukulan para sa mga aksidenteng dulot ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.

Sa ulat ng Bulacan Provincial Health Office Bulacan PHO – Public Health at DOH Central Luzon nitong Disyembre 26, inilabas nila ang mga dapat gawin sa nakalunok ng paputok, nakalanghap ng kemikal. naputukan sa mata, sugat at paso.

Base sa tips, sakaling makalunok ng paputok ay huwag piliting magsuka ang biktima bagkus ay pakainin ng hilaw na puti ng itlog (egg white).

Anim hanggang walong egg white para sa batang nakalunok ng paputok habang anim hanggang 12 naman sa matanda, ayon sa ulat.

Sakaling nakalanghap ng kemikal ay ilayo agad sa lugar na kontaminado ng paputok, palanghapin ng sariwang hangin.

Huwag din balewalain ang maliit na sugat, hugasan agad ng malinis na tubig, sabunin, takpan ng sterilized gauze bandage at diinan ang bahaging may sugat para tumigil ang pagdurugo.

Samantalang maputukan ang mata ay padaluyan ng malinis na maligamgam na tubig huwag gumamit ng ice water, huwag kalikutin, maghanap ng malinis na tela o gaza takpan ang apektado at mabigyan ng pang kontra tetanus ang biktima.

Higit sa lahat ay dalin sa emergency room, health center o ospital ang biktima ng paputok para sa agarang lunas.

Paalala ng kinauukulan ay mas mainam gumamit ng alternatibong paingay o pailaw at huwag nang magpaputok. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here