Home METRO Klase sa 23 bayan, 2 lungsod sa Ilocos Sur, sinuspinde sa malakas...

Klase sa 23 bayan, 2 lungsod sa Ilocos Sur, sinuspinde sa malakas na ulan

1
0

ILOCOS SUR, Philippines – Sinuspinde nitong Lunes ang face-to-face classes sa 23 bayan at 2 lungsod sa Ilocos Sur dahil sa patuloy na malakas na ulan dulot ng Habagat.

Kabilang sa mga lugar na nagsuspinde ng in-person classes ang Cabugao, Caoayan, San Vicente, San Juan, Santa Cruz, San Emilio, Banayoyo, Narvacan, Santa, Sinait, San Esteban, Salcedo, Bantay, Santiago, Santo Domingo, San Ildefonso, Santa Maria, Suyo, Santa Lucia, Galimuyod, Gregorio del Pilar, Magsingal at Burgos, gayundin ang Candon City at Vigan City.

Inatasan ang mga public at private schools na gumamit ng alternative learning modalities upang magpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante habang suspendido ang face-to-face classes.

Layunin ng suspensyon na matiyak ang kaligtasan ng mga residente at estudyante habang nagpapatuloy ang malakas na pag-ulan sa lalawigan.

Sa Burgos, suspendido rin ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno noong Lunes. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here