Home NATIONWIDE Kompensasyon ng China sa pinsala sa Ayungin Shoal, wala pa – AFP

Kompensasyon ng China sa pinsala sa Ayungin Shoal, wala pa – AFP

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala pang ibinibigay na kompensasyon ang China para sa pinsalang dulot ng insidente noong Hunyo 17, 2024 sa Ayungin Shoal (Second Thomas Shoal), kabilang ang pagkasugat ng isang Pilipinong mandaragat na naputulan ng daliri.

Nilinaw ni AFP spokesperson for the West Philippine Sea Retired Rear Admiral Roy Vincent Trinidad (Reserve) na ang nasugatang sundalo ay tumanggap ng tulong-pinansyal mula sa mga Pilipino, civic groups, at pribadong organisasyon, at hindi mula sa China.

Ayon sa kanya, “We thank those gracious donors who have expressed support and given him compensation for that.”

Sinabi rin ng AFP na wala pa ring tugon ang China sa kahilingan ng Pilipinas na bayaran ang mga nasirang barko at kagamitan, at isauli ang mga baril at personal na gamit na nakuha noong insidente.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad, “As to the compensation for the equipment and the damage done to our assets, the AFP has submitted this particular requirement, and again, it seems that there is still no response.”

Dagdag pa niya, “We are following it up with the concerned agency that could actually communicate our intentions to the People’s Republic of China.”

Ayon kay Rear Admiral Trinidad, pananagutan ng China Coast Guard (CCG) at iba pang puwersang pandagat ng China ang mga pinsala at pagkasugat na dulot ng kanilang coercive and aggressive actions.

Sinabi niya, “Any injury to our personnel or damage to equipment arising from coercive and aggressive actions conducted by the PLA [People’s Liberation Army] Navy, China Coast Guard (CCG), or even maritime militia fall squarely on their responsibility.”

Nangyari ang insidente habang nagsasagawa ang Pilipinas ng rotation and resupply (RORE) mission para sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon sa AFP, “deliberately punctured” ng mga tauhan ng CCG ang mga bangka ng Pilipinas gamit ang matutulis na armas at “illegally embarked” sa mga rubber boat upang kumpiskahin at sirain ang mga kagamitan. Sa kabila nito, nagpigil umano ang mga tauhan ng Philippine Navy at nakipaglaban gamit lamang ang kanilang mga kamay.

Hindi bababa sa walong Pilipinong mandaragat ang nasugatan sa insidente, kabilang ang isang naputulan ng daliri. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here