Home NATIONWIDE Komprehensibong imbestigasyon sa pagkamatay ni Cabral, isinusulong ng mga kongresista

Komprehensibong imbestigasyon sa pagkamatay ni Cabral, isinusulong ng mga kongresista

248
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang mga kongresista para sa isang komprehensibong imbestigasyon sa pagkamatay ni dating Undersecretary Catalina Cabral ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang naging papel nito sa anomalyang nakapaloob sa mga proyekto ng flood control.

Isinulong ng mga kongresista at ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno ang nabanggit na paglulunsad ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Cabral at naging partisipasyon nito sa malawakang anomalya sa flood control projects.

Kasama ni Diokno sa pagsusulong ng imbestigasyon sa Kamara sina Caloocan Rep. Edgar Erice, ML Partylist Rep. Leila De Lima, Akbayan Reps. Perci Cendaña at Dadah Ismula, Dinagat Island Rep. Kaka Bag-ao, Albay Rep. Krisel Lagman, Batangas Rep. Leandro Leviste, at Kamanggagawa Partylist Rep. Eli San Fernando sa paghahain ng isang resolusyon na nananawagan ng masusing imbestigasyon.

“Hindi lang niya alam ang mga kontratista at iba pang mga proponent at konektado sa proyekto, mukhang pati ‘yung mga sinasabi nating mga nasa likod nitong mga anomalya—kaya ‘wag nating hayaan na kasamang mailibing itong kaalaman [niya] sa kanyang libing din,” giit ni Diokno.

Dagdag pa ng mambabatas na “we have to get to the bottom of this, we have to know not only what happened to her and what her actual genuine cause of death is, but also to find out what she knew and what we can still unearth based on the investigation that we will conduct.”

Ayon kay Diokno isusulong din niya ang isang panukalang magsusulong sa imbestigasyon sa pagkamatay at otopsiya sa kaparehong kaso/

Samantala, kinuwestyon din ni Diokno ang sabay na aplikasyon para sa cyber warrants kaugnay ng nabanggit na usapin ng DPWH at sa mga kasangkot na opisyal ng departamento.

Tinukoy din ni Diokno ang naunang panawagan nito sa mga opisyal ng DPWH sa pangunguna ni Secretary Vince Dizon noong Oktubre ukol sa paggamit sa cyber warrants at pagpe-preserba sa mga electronic devices ng lahat ng DPWH officials na sangkot sa anomalya.

“Yet it’s only the other day, based on the news, na merong nag-apply for cyber warrants. Nagtaka kami kung bakit matagal na rin nilang alam na dapat nangyari ito pero nung isang araw lang nila ginawa and only after the death of Usec. Cabral,” giit pa ni Diokno.

Samantala, nanawagan naman si Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang madaliang pag-iingat ng mga otoridad at pagsasapubliko sa listahan ng mga project proponents na aniya’y naitago ni Cabral sa panahon ng kaniyang pagsisilbi sa DPWH.

Kabilang aniya dito ang detalyadong listahan ng proponents na naitatabi ni Cabral na naglalaman ng mga pangalan tulad ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin at iba pang malapit sa pangulo.

“Such lists could be crucial in establishing the circumstances surrounding Usec. Cabral’s death and identifying all individuals involved in the systematic plunder of DPWH funds. It is true that Usec. Cabral was a key player in the massive and systematic plunder of DPWH funds. For sure, she knew a lot, could name a lot of names, and the dead tell no tales,” sinabi pa ni Tinio.

Ngunit naniniwala rin si Tinio na higit na maraming nalalaman diumano kumpara kay Cabral at dating DPWH Usec. Bernardo ay si dating DPWH Secretary Manny Bonoan sa pagsasabing, “no allocations could be made, no funds could move in DPWH without the knowledge and go-signal of Bonoan.” Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here