Home HOME BANNER STORY Kongreso inakusahan ni Harry Roque ng power-tripping

Kongreso inakusahan ni Harry Roque ng power-tripping

MANILA, Philippines – Inakusahan ni dating presidential spokesperson Harry Roque ang Kongreso ng “power tripping” kasunod ng contempt at arrest orders na inisyu laban sa kanya dahil sa umano’y kaugnayan niya sa illegal na operasyon ng Philippine offshore gaming operators (POGO).

Si Roque ay tagapagsalita para sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nanindigan si Roque na hindi siya pugante.

“Hindi ako pugante dahil ako po ay lumabag sa batas. Pugante ako sa Kongreso lamang, wala po akong pakialam. Dahil ang tingin ko naman kung ay na-cite in contempt of Congress, ang Kongreso naman po ay cited in contempt of the people of the Philippines,” aniya.

“Hindi po tama yung ginagawa nila, pasigaw-sigaw, kapag ayaw ng sagot contempt kaagad. Nagpa-power tripping na po sila,” dagdag pa.

Kamakailan ay na-cite in contempt si Roque at ipina-detain ng apat na House of Representatives committees o “QuadComm” matapos na tumangging ipasa ang mga dokumento na magpapaliwanag ng kanyang biglaang pagyaman. RNT/JGC