Home NATIONWIDE Kontrol sa EMBO facilities ipinanatili ng korte sa Taguig

Kontrol sa EMBO facilities ipinanatili ng korte sa Taguig

320
0

MANILA, Philippines – Mananatili sa lokal na pamahalaan ng Taguig City ang kontrol ng lahat ng pampublikong pasilidad sa Enlisted Men’s Barrios (EMBO), o ang mga barangay na dating bahagi ng Makati.

Ito ay matapos magpalabas ang Taguig City Regional Trial Court Branch 153 ng preliminary injunction kaugnay ng usapin sa pag-aari ng mga nabanggit na government establishments.

Sa desisyon ni Taguig City RTC Branch 153 Presiding Judge Miriam Bien, may sapat na ebidensya na nagpapakitang may karapatan ang lokal na pamahalaan ng Taguig na ariin at pangasiwaan ang mga nasabing pasilidad at estruktura upang mapanatili ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng serbisyo sa mga residente.

“There is urgent necessity for the writ to prevent serious damage since the subject properties serve essential public functions, providing critical services to the residents of the EMBOs. Any disruption in their operation could severely impact the delivery of basic government services to the public,” nakasaad sa desisyon.

Una nang naglabas ang korte ng 72-hour temporary restraining order (TRO) na nagbabawal sa pamahalaang lungsod ng Makati na makialam sa EMBO. Halos isang taon ding nanatiling nakasara ang EMBO habang nasa ilalim ito ng administrasyon ng Makati.

Nang mag-takeover ang Taguig, muling binuksan ang mga pampublikong pasilidad gaya ng basketball courts, parks, at recreation centers, at ibinalik ang access ng mga residente. Ipinagpatuloy din ng Taguig ang operasyon ng mga health centers at veterinary centers sa mga barangay ng EMBO. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here