Home NATIONWIDE Korapsyon sa imprastruktura, ‘tradisyon’ na nagsimula pa noong Martial Law — mga...

Korapsyon sa imprastruktura, ‘tradisyon’ na nagsimula pa noong Martial Law — mga grupo

280
0

MANILA, Philippines – Sa paggunita ng ika-53 anibersaryo ng Martial Law, iginiit ng mga biktima at progresibong grupo na ang malawakang korapsyon sa flood control projects ngayon ay ugat ng pandarambong noong diktadura ni Ferdinand Marcos Sr.

“Ang nangyayaring korapsyon ngayon ay tradisyong mauugat sa korapsyon noong Martial Law. Sino nga ba ang nuknukan sa pagkakorap kundi si Ferdinand Marcos Sr.?” pahayag ng Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA), na tinawag ang panahong iyon na “golden age of corruption.”

Hindi umano sapat ang pagsibak ng ilang opisyal at kasalukuyang imbestigasyon, na tanging pampalubag-loob lamang daw sa galit ng taumbayan. Hiniling nila na ipakulong ang mga sangkot at ibalik ang nakaw na yaman.

Samantala, sinabi ng grupong Kapatid na ang iskandalo ay “plunder on a Martial Law scale,” at kinondena ang “entrenched culture of impunity” mula kay Marcos Sr. hanggang sa kasalukuyan.

Giit nila, dapat managot kahit si Pangulong Marcos Jr. na lumagda sa pambansang budget na naglaan ng bilyong pisong pondong ginamit sa maanomalyang proyekto, kabilang ang P51 bilyon sa distrito ni Rep. Paolo Duterte noong 2019–2021.

“Corruption is not just an issue of governance but a weapon of repression… They are stolen futures,” dagdag ng grupo, na nanawagan ng mas malawak at organisadong pagkilos laban sa korapsyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here