MANILA, Philippines- Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) na may kabuuang 1,761,281 South Korean nationals ang bumisita sa Pilipinas noong 2024, na muling pinagtitibay ang kanilang katayuan bilang nangungunang pinagmumulan ng mga internasyonal na dumarating sa bansa.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang matibay na ugnayan ng Pilipinas at South Korea ay makikita hindi lamang sa turismo, kundi pati na rin sa pagpapalitan ng edukasyon at kultura.
“The Philippines continues to be a preferred destination for South Koreans, not only because of our natural attractions but also for our thriving English language programs, which are especially popular among families with young learners during school holidays,” ani Viado.
Nabatid kay Viado na nagpatupad ang BI ng online application procedure para sa special study permit (SSP) para sa mga mag-aaral na naghahangad na kumuha ng mga short-term courses sa Pilipinas. Layunin umano nitong makaakit ng mas maraming dayuhang estudyante, kabilang ang mga South Korean, na bumisita sa bansa para sa educational tourism.
Binigyang-diin ni Viado ang malapit na pakikipagtulungan ng Bureau sa mga awtoridad ng Korea sa pagpapanatili ng integridad sa hangganan at pagtiyak sa kaligtasan ng mga Korean national.
“We have maintained strong cooperation with the Embassy of the Republic of Korea and law enforcement counterparts, especially in intelligence-sharing, monitoring of transnational crimes, and rapid response to incidents involving Korean nationals. This collaborative approach strengthens confidence and promotes mutual protection,” ayon sa opisyal.
Inulit din ni Viado ang suporta ng BI sa zero-tolerance na paninindigan ng Department of Tourism (DOT) sa mga krimen laban sa mga turista at binigyang-diin ang kahalagahan ng inter-agency coordination.
“We work closely with the DOT, law enforcement agencies, and foreign embassies to ensure that all visitors feel safe and respected during their stay. Every tourist that arrives brings with them their trust in the Filipino people. That trust must never be betrayed,” ani Viado.
Nakikiisa din aniya ang BI sa DOT sa kampanya nito upang mapanatili ang mataas na kasiyahan at kumpiyansa ng mga turista sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga pamamaraan sa hangganan at pagpapadali sa lehitimong paglalakbay, partikular na sa pamamagitan ng modernized system at e-services.
“We continue to support the DOT’s efforts and will do our part to preserve the Philippines’ reputation as a safe and hospitable destination,” ayon pa kay Viado. JR Reyes