Home ENTERTAINMENT Korte walang stop order vs ‘The Rapists of Pepsi Paloma’ film, teaser...

Korte walang stop order vs ‘The Rapists of Pepsi Paloma’ film, teaser – abogado

MANILA, Philippines – Sinabi ng kampo ni Direk Darryl Yap na wala pang utos ang Muntinlupa court para tanggalin ang teaser at iba pang promotional materials para sa kanyang pelikula, The Rapists of Pepsi Paloma.

Ang legal counsel ni Yap na si Atty. Raymond Fortun, nilinaw na inutusan lamang ng korte si Yap na magsumite ng verified return sa loob ng limang araw, ngunit hindi nagbigay ng stop order.

Ito ay matapos maghain ang aktor at host na si Vic Sotto ng petisyon para sa writ of habeas data laban kay Yap, na humihiling na tanggalin ang lahat ng kaugnay na materyales at pagbabawal sa karagdagang pagpapakalat.

Pansamantalang inilabas ng korte ng Muntinlupa ang writ, na nag-utos kay Yap na itigil ang pagbabahagi ng mga materyal na ito.

Ang summary hearing para sa petisyon ay nakatakda sa Enero 15. Naghain din si Sotto ng 19 na bilang ng cyberlibel laban kay Yap. RNT