Home ENTERTAINMENT Kris, inaatake ng migraine at body ache!

Kris, inaatake ng migraine at body ache!

119
0

California, USA- Constant migraine at body aches.

Ito ngayon ang karagdagang nagpapahirap sa kundisyon ni Kris Aquino.

Matatandaang ang huli pang health updates na ibinahagi ni Kris was on her last birthday (February 14) sa panayam ni Boy Abunda sa Fast Talk.

Supposedly, ang papasok na Monday after that was Kris’ scheduled admission at the UCLA Hospital.

Pero according to her boyfriend Batangas Vice Governor Marc Leviste ay hindi ‘yon natuloy dahil sa Covid alert sa mismong pagamutan.

Habang naghihintay na humupa ang Covid doon ay bumalik muna si Marc sa bansa.

Anytime din daw he’d fly back to Los Angeles lalo’t tinutulungan din niya si Bimby na nagpaiwan doon para tutukan ang ina.

Gabi nitong April 10, Miyerkoles nang bumiyahe si Marc pabalik ng LA.

‘Yun na nga, pananakit ng katawan at migraine attacks ang pinoproblema naman ngayon ni Kris.

“Just at home,” part of her post reads, meaning, as we speak now ay hindi pa rin natutuloy ang admission niya sa UCLA Hospital.

Matatandaang mismong si Kris na rin ang nagsabing “crucial” ang pagpapaospital niyang ‘yon dahil sa apat na doses ng panibagong gamot ang susubukan sa kanya.

Mahabaan din daw ang confinement niya roon kung sakali.

Muli, ang aming taimtim na panalangin na harinawang malampasan ni Kris ang kanyang health condition. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here