Home ENTERTAINMENT Kris, nalagpasan ang taning sa buhay!

Kris, nalagpasan ang taning sa buhay!

Los Angeles, USA – Blessing para kay Kris Aquino na buhay pa siya hanggang ngayon at kung hindi siya nagdesisyon magpunta ng Tate para magpagamot ay baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

“When I was told about my sickness kasi, nandu`n na ako sa level 3 which is the last stage. I really thought na, ‘Oh, I probably have less than 1 year,'” tsika ni Kris sa panayam sa vlog ni Ogie Diaz.

“So, the fact na this is now year 2, and nagka-progress na, kasi ‘yung life expectancy, less than 5 years and late diagnosis ako. So kung tutuusin, nu`ng na-diagnose ako, 4 years to go na lang.

“So, naka-2 years na ako. So, kung iisipin mo, may 2 years na lang. Pero kahit paano, napigil nila yung progression,” patuloy ni Kris.

“So, I`m very grateful na buhay pa `ko,” say pa niya.

Kaya naman ganu`n na lang ang pasasalamat ni Kris sa lahat ng nagdarasal sa kanya dahil alam niyang napakalaking bagay nito. Tinutupad din daw niya ang kanyang pangako sa dalawang anak na sina Joshua at Bimby na lalaban siya hanggang sa kanyang makakaya.

“‘Yung dalawang anak ko, they only have me. Of course, my sisters are there pero wala silang ibang maaasahan. Ang alam ko, they still need their mom, so that`s why, tiniis ko lahat,” aniya.

Sa ngayon ay may lima nang autoimmune disease si Kris at ang huling na-diagnose sa kanya ay ang lupus.

“Ang ina-affect ng lupus, kasi, suwerte ako, not my kidneys, pero it can also damage the heart, so yun ang inaasikaso namin ngayon,” say ni Kris.

Sa gitna ng kanyang pakikipaglaban sa malubhang sakit ay nananatili pa rin ang matibay na pananalig ni Kris sa Panginoon at umaasa na balang araw ay bubuti rin ang kanyang kondisyon para makauwi na sa Pinas bago matapos ang taon.

If ever at pahihintulutan ay baka magbalik din siya sa showbiz pero nasa likod na lang daw siya ng kamera at pauubaya niya sa iba ang pagho-host ng isang TV show. Gerry Ocampo