Home ENTERTAINMENT Kris, nilinaw na wala siyang jowa, may pinatatamaan?

Kris, nilinaw na wala siyang jowa, may pinatatamaan?

Los Angeles, USA- Mismong si Kris Aquino na ang nagbahagi sa kanyang latest Instagram post na “not in a relationship” ang status niya ngayon.

Ang mga kapatid na raw niya mismo ang naghikayat sa kanya na gawin ito for clarification.

Hindi naman binanggit ni Kris kung sino ang taong ‘yon pero obyus na ang tinutukoy niya’y si Batangas Governor Marc Leviste.

Panimulang post ni Kris: “We don’t communicate, and my sons and I feel more peaceful.

“No details as I value my privacy and respect his.”

Paglilinaw niya, nais lang daw niyang i-address ang mga facts.

Kasabay nito’y ibinahagi rin ni Kris ang estado ng kanyang kalusugan.

Hindi man daw niya hawak ang mga resulta ng kanyang blood panel, “pero gumanda ang inflammatory numbers.”

Hindi rin daw niya alam kung bakit pero tila sinagot ang kanyang mga panalangin “to save my life for my sons.”

Nagpapasalamat din siya sa compassion o pang-unawa “for keeping me in your prayers and thoughts.”

Ang maganda rito, bibilang daw ng 18 hanggang 20 buwan before she reaches remission.

Pagkatapos daw nito’y maghihintay pa siya ng anim na buwan bago bigyan ng clearance ng kanyang mga doktor para makauwi na ng Pilipinas.

Miss na raw niya kasi ang kanyang mga kapatid, mga pinsan, mga kaibigan at maging ang kanyang mga doktor.

After all, it’s been 16 months na raw siyang nananatili sa kanyang nirerentahang bahay.

Kuwento ni Kris, may swimming pool daw ito that provides her a good view.

Bukod dito’y sampung minuto lang daw ang layo nito sa isa sa kanyang mga doktor.

Matatandaang nitong July ay inamin mismo ni Kris kung gaano kahirap ang long distance relationship.

Ito’y lalo pa sa kaso niya na may iniindang karamdaman at sa kaso ng taong higit na kailangan ng taumbayan dahil sa sinumpaang tungkulin nito.

All throughout her post, consistent si Kris sa ‘di pagbanggit kung sino ang tao she was referring to.

In the meantime, it’s Kris’ elder sisters Ballsy and Viel who she said urged her to clarify her relationship status. Ronnie Carrasco III