Home HOME BANNER STORY ‘Kristine’ nag-iwan ng P3B agri damage – DA

‘Kristine’ nag-iwan ng P3B agri damage – DA

201
0

MANILA, Philippines- Umabot na sa P3.11 bilyon ang pinsalang natamo ng agrikultura dahi sa Severe Tropical Storm Kristine.

Iniulat ng DA na mayorya ng napinsala sa agrikultura ay bigas, umabot sa 152,440 metric tons (MT).

Ang iba pang apektadong agricultural commodities na naapektuhan ng bagyo ay mais na may 1,461 MT, cassava na may 126 MT, at high value crops na may 6,014 MT.

Nakapagtala rin ng 2,862 na pagkalugi sa hayop habang 98 naman ang apektadong palaisdaan.

Umabot naman sa P26 milyon ang pinsala sa mga irrigation facility.

Sa oras na tuluyang humupa at pumayapa ang kondisyon sa bansa, kaagad na magsasagawa ang DA ng field evaluation sa mga apektadong lugar.

Sinabi pa ng DA na P541.02 milyong halaga ng agricultural inputs ang available para sa distribusyon sa mga apektadong magsasaka.

Idinagdag pa ng departamento na tutulungan din nito ang mga magsasaka sa pamamagitan ng Quick Response Fund, Survival and Recovery (SURE) Loan Program, at Philippine Crop Insurance Corporation. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here