Home NATIONWIDE Kumander, 5 pang parak sibak sa pwesto sa paggulpi sa crim stude

Kumander, 5 pang parak sibak sa pwesto sa paggulpi sa crim stude

209
0

MANILA – Sinibak sa puwesto ang isang police commander at limang iba pang opisyal ng isang police station sa Cebu dahil sa umano’y pananakit sa isang criminology student.

Ang mga na-relieve na tauhan ay nakatalaga sa Marigondon Police Station sa Lapu-Lapu City, ayon kay Philippine National Police spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo sa isang press briefing sa Camp Crame sa Quezon City nitong Martes.

Bukod sa commander, na-relieve din ang chief clerk, isang desk officer, isang imbestigador at dalawa pang opisyal.

“The case is under probe as we speak and the victim is being asked for a statement for the filing of proper charges. The victim who was confine at a hospital named at least two police officers who maltreated him,” ani Fajardo.

Ayon sa isang post ng pamilya ng biktima, ang biktima at ang may-ari ng bahay, kung saan siya nagtatrabaho bilang caretaker, ay nagtungo sa istasyon ng pulisya upang iulat ang isang pagnanakaw na kinasasangkutan ng tatlong suspek, isang bisikleta at isang chainsaw.

Gayunpaman, ang biktima ay inakusahan umano ng pulisya na nagnakaw ng mga gamit at pinaluhod habang binubugbog siya ng mga pulis.

Pinalaya siya matapos mapatunayang inosente sa mga kaso at dinala sa ospital para gamutin ang mga pinsalang natamo niya mula sa pananakit. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here