Home NATIONWIDE La Niña makaapekto sa panahon simula Setyembre —WMO

La Niña makaapekto sa panahon simula Setyembre —WMO

219
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang World Meteorological Organization (WMO) nitong Martes na posibleng bumalik ang La Niña pagsapit ng Setyembre, na maaaring magdulot ng pagbabago sa pandaigdigang lagay ng panahon kahit inaasahang mananatiling mas mataas kaysa normal ang temperatura sa maraming lugar.

Nangyayari ang La Niña kapag lumalamig ang dagat sa central at eastern Pacific, na nagpapataas ng panganib ng pagbaha at tagtuyot na maaaring makaapekto sa agrikultura.

Bagama’t neutral ang kondisyon mula pa noong Marso, may 55% tsansa na bumalik ang La Niña sa pagitan ng Setyembre at Nobyembre.

Giit ng WMO, ang maagap na paghahanda ay makapagliligtas ng buhay at makapagbibigay ng malaking benepisyo sa agrikultura, enerhiya, kalusugan, at transportasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here