Home NATIONWIDE Laban ni PBBM sa WPS, dapat ipagpatuloy ng sunod na mamumuno –...

Laban ni PBBM sa WPS, dapat ipagpatuloy ng sunod na mamumuno – Tarriela

314
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng isang opisyal ng Philipine Coast Guard (PCG) na ‘kailangang tiyakin’ ng mga Pilipino na ang kahalili ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ay magpapatloy sa laban para sa West Philippine Sea (WPS).

Ginawa ni PCG spokesperson for the WPS ang apela, na binaggit ang aral mula sa dating administrasyon na aniya ay sinubukang ‘itago at maliitin’ ang sitwasyon sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Tarriela na kailangan tiyakin sa oras na bumaba ang Pangulo sa 2028 na magkaroon ng kahalili na nakakaunawa sa pangangailngan natin na ipagpatuloy ang laban sa WPS.

Binanggit din ni Tarriela na kailangang ‘ituloy’ ng susunod na pangulo ang hakbang ng administrasyong Marcos na ‘ilantad at isapubliko ang mga agresibong aksyon’ ng China sa WPS.

Dagdag pa ni Tarriela, sa ilalim ng administratsyong Marcos, inilunsad ang transparency initiative dahil naniniwala aniya sila na karapat-dapat ang mga mamamayang Pilipino na malaman ang tamang impormasyon tungkol sa WPS.

“We no longer suffer bullying because we choose to be silent,” ani Tarriela. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here