Home NATIONWIDE Labis na pondo ng PhilHealth gamitin pantulong sa pag-unlad ng ekonomiya –...

Labis na pondo ng PhilHealth gamitin pantulong sa pag-unlad ng ekonomiya – solon

96
0

NAGPAHAYAG ng suporta si Albay Second District Representative Joey Salceda sa paninindigan ng Department of Finance (DOF) sa pinakahuling talakayan hinggil sa P89.9 bilyong labis na pondo ng PhilHealth.

Sinusuportahan ni Salceda ang pananaw ng DOF na ang pag-redirect sa mga pondong ito ay maaaring magpasigla sa pag-unlad ng ekonomiya.

“PhilHealth has not been effectively using these excess funds to improve member benefits,” ani Salceda.

“They’ve been stagnant for too long. Utilizing these funds for public investment is a more productive approach. It helps the government save on interest payments, which is beneficial for the economy,” paliwanag pa ng ekonimistang kongresista.

Umaayon si Salceda sa argumento ng DOF na mas mabuti pa umanong gamitin ang mga labis na pondo para sa Unprogrammed Appropriations kaysa sa pagpasok ng mga bagong buwis o pagkakaroon ng karagdagang utang.

“Low government spending reduces growth. Reduced growth creates poverty. Poverty creates hunger. Hunger creates disease,” ayon kay Salceda.

Taliwas sa paniniwala, binigyang-diin ni Salceda na ang mga sobrang pondong ito ay nakukuha sa mga taxpayes at hindi umano sa kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth.

Ayon sa General Appropriations Act, naglaan si Pangulong Ferdinand Marcos ng P162 bilyon na subsidiya na pinondohan ng mga taxpayer o yung mga nagbabayad ng buwis sa PhilHealth, bukod pa sa mga premium na nakolekta mula sa mga miyembro nito.

“If there is still excess money, it suggests that we have allocated too much in subsidies. It’s more prudent to use this surplus taxpayer money for other urgent needs rather than accumulating new debt with interest,” sabi ni Salceda.

Nabatid na ang mga proyekto ng DOF na ang paggamit ng mga unutilized subsidies ay maaaring mag-ambag sa isang 0.8% na pagtaas sa paglago ng ekonomiya, na posibleng umabot sa kabuuang total growth rate na 6.5% para sa taon. Ang muling alokasyon na ito ay inaasahang bubuo ng humigit-kumulang 600,000 karagdagang mga oportunidad sa trabaho.

Samantala, iminungkahi ni Salceda na dapat isaalang-alang ng PhilHealth ang paglalaan ng ilan sa mga sobrang subsidiyo sa hinaharap upang mapahusay ang mga benepisyo, lalo na para sa mga catastrophic illnesses o malulubhang sakit na nakakaapekto sa mga senior citizen. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here