Home NATIONWIDE Lacson: Mas marami pang nakitang ebidensya sa infra projects sa Taguig

Lacson: Mas marami pang nakitang ebidensya sa infra projects sa Taguig

1
0

MANILA, Philippines – Nagpahiwatig si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa mas marami pang “damning evidence” sa imbestigasyon nito sa umano’y maanomalyang infrastructure projects sa Taguig City.

Ito ay kasabay ng pagdedeklara niya ng lalo pang paghaba ng listahan ng mga ebidensya at paglakas ng kaso.

Si Lacson ay nagsimula ng imbestigasyon nito sa infrastructure projects sa Taguig, na kilalang balwarte ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.

Itinanggi naman ni Cayetano ang pagkakaroon ng ghost projects sa lungsod at hinamon si Lacson na maglabas ng mga ebidensya.

Nauna nang pinuna ni Lacson ang posibleng “double appropriation” sangkot ang dalawang P100 milyong alokasyon na nakitang sakop ang kaparehong slope protection project sa Taguig City.

“One of the two must be ghost,” ani Lacson.

May nakita rin umano ang kanyang team na tatlong karagdagang P100 milyong slope protection projects sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act, na nagpataas sa kabuuang halaga ng mga proyekto sa Taguig mula P2.085 bilyon ay naging P2.385 bilyon.

Nakapagdokumento na rin ang team nito ng dalawang case studies sangkot ang hinihinalang ghost projects sa Taguig.

Wala pang tugon si Cayetano kaugnay nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here